Monday, September 12, 2005

Bolgeym


Pers Kwarter
Wow. dami naman ng players… pero konti lang kilala ko.
Puro Green Team, mangilan-ngilang Red Team.
Makipagkilala kaya ako?!
Saka na lang.. marami pa namang oras..
On the third minute, may nakilala akong player
from the Yellow Team. Haha.. nakakatuwa naman sya..
Ang galing niyang maglaro.. Nai-inspire tuloy akong manood.
Sobrang dami nyang na-shoot nung 3rd minute.
Walangya. Tinambakan ang kalaban. Nakaka-amaze.
Nangalahati na yung 1st kwarter, napagod ata sya.
Di na sya gumawa. Buti na lang malaki ang lamang.

Sekon Kwarter

Hala. Dami ko ng nakilalang ibang players. Yung iba visitors pa.. Nakaka-overwhelm naman.
Musta na kaya si MVP? Medyo tumahimik sya..
Pero kahit papaano, nagpaparamdam pa rin.
Nakakainis! Sya lang ang inaabangan ko eh!
Sana lagi syang ipasok…
Ayun! Pinasok na sya! Walangya, technical foul!!!
Bakit? Dumugo ba?! Bad trip naman oh, wag nyong sabihing ma-eeject sya? Pero sa bagay, deserve nya. Masyado syang mayabang. Kala mo kung sino. Pasalamat sya cute sya. Wahaha!
O, foul na naman? Nakailan na yan?! Baka masayang
lahat ng ginawa nya. Ayan, pinaupo muna sya sa bench.
Next quarter na siguro ulit sya ipapasok.

Terd Kwarter

Wow! ang saya ng game. Pasok na ulit si MVP..
Kaya lang, di sya nakaka-shoot. Anyway, sya naman ang nagke-create ng spark. =) Pag hawak nya ang bola nagiging exciting ang laro. Pati ibang tao, nagiging into it! Diba, sosyal!!
Lalo akong nagbibilib sa kanya, kahit na maangas ang tanga…
May something sa kanya eh..di ko maalis ang tingin ko sa kanya. Parang sya lang ang taong nakikita ko sa court.
Langya, foul trouble na sya! “Hello, are you drugs?! Bahala ka nga..”
Nangalahati na ang kwarter. Bat di nagbabago ang skor?
Lamang pa rin team ni MVP.. ay, Red Team na pala sya ngayon.
Grabe, sumasakit na ang puso ko.. sobrang cardiac
bolgeym na to.
Dun nga ako sa malapit sa bench, para makita ko ng malapitan
si MVP…. Nakaka-tense naman dito! Parang kinakabahan lalo ako! Masyadong matindi ang effect.. dahil ba malapit ako sa kanya?! Ganun ba un?!
Naalala ko, kanina pa pala ako nauuhaw… Wait a minute!!!
Nakaupo na pala sa harap ko si MVP! Huwat?! Kaka-conscious naman.. tumitingin pa naman sya sa likod. Iyyy…
Ay! Biglang may tumawag sa kin? Hala, nakatingin si MVP.. Sya ba un?parang hindi.. pero parang nafi-feel ko na oo..
Last two minutes na lang, ang gulo nya sa loob ng court!
Di mapakali..Bakit kahit nasa court sya tumitingin pa rin sya dito?! Walangya, natutuwa na naman ako…
Huh? Foul na naman?! Fouled out na sya?!? Walangya, ilang seconds na lang? 4, 3, 2, 1.
Tapos na 3rd kwarter. Mabuti sana kung tapos na rin ang game.. pero may isang kwarter pa eh.. Bat naman sya nagpa-foul out?
Wala na, wala na kong gana..
Di ko na ata tatapusin ang game..
Uuwi na ko…


_the 12th poet_

0 Comments:

Post a Comment

<< Home