Tubig... Na Naman
Madilim, malamig..
Sigurado ako, maraming
manunulat ngayon
ang naglipana.
Hawak ang bolpen, tangan
ang kwaderno.
Nakatingin sa malayo,
ayaw paistorbo...
Maraming lamok, nangangagat.
Sira ang payong,
di mabuksan.
Basa ang pantalon,
putikan ang tsinelas.
Nakakairita, bagong
linis pa naman...
Sarap matulog, mahiga.
Tamad mag-aral, gumala..
Nababagot, nagsasawa.
Paulit-ulit ang buhay,
nakakasuka.
Umuulan na naman,
lalong nakakalungkot.
Kasabay ng patak ng ulan,
ang patak ng luha ko.
Pano ba ako makakalimot?!
Kung sanang ang pag-ibig
ay kagaya ng ulan,
Kahit ano'ng mangyari,
may katapusan.
Kung sanang maibebenta
lang ang ulan at luha,
Eh di sana, ang yaman ko na...
Sigurado ako, maraming
manunulat ngayon
ang naglipana.
Hawak ang bolpen, tangan
ang kwaderno.
Nakatingin sa malayo,
ayaw paistorbo...
Maraming lamok, nangangagat.
Sira ang payong,
di mabuksan.
Basa ang pantalon,
putikan ang tsinelas.
Nakakairita, bagong
linis pa naman...
Sarap matulog, mahiga.
Tamad mag-aral, gumala..
Nababagot, nagsasawa.
Paulit-ulit ang buhay,
nakakasuka.
Umuulan na naman,
lalong nakakalungkot.
Kasabay ng patak ng ulan,
ang patak ng luha ko.
Pano ba ako makakalimot?!
Kung sanang ang pag-ibig
ay kagaya ng ulan,
Kahit ano'ng mangyari,
may katapusan.
Kung sanang maibebenta
lang ang ulan at luha,
Eh di sana, ang yaman ko na...
_the 12th poet_

0 Comments:
Post a Comment
<< Home